How to a pass call center interview

Alam mo na maganda ang kita sa BPO (Business Process Outsourcing) Mas kilala sa tawag na Call center industry. Pangarap mo na makapasok at magtrabaho din sa ganitong industriya.Sumubok kana pero wala padin eh. Sabi mo Mahirap, pero sa totoo lang kung alam mo naman kung paano ka matatanggap mas magiging madali lang para sayo ang makapasok.Bago ko ibigay yung payo ko kung paano ka makakapasa sa call center nais ko munang ibahagi yung mga kaalam kung anu ba talaga ang BPO. Kung maiintindihan mong mabuti kung ano ang industriya na ito naniniwala akong kaya mo pumasok at makapagtrabaho.

Kung napanood mo ang movie na “Slumdog Millionaire”, istorya ito ng isang janitor na nagtatrabaho sa Call Center sa India, sumali sa Who wants to be a Millionaire at nanalo naman ng jackpot. Anong connect? Nung mga panahon na un India ang pinakamalaking bansa na nakikinabang sa BPO kungbaga sila ang number 1, pero hindi na ngayon dahil Pilipinas na ang Number1 sa BPO at halos napantayan na nito ang ang tulong sa ekonomiya from OFW. May Call center na sa Pilipinas. Luzon, Vizayas, at Mindanao, Bakit nga ba hindi eh mas magaling naman talaga tayo sa english kesa sa kanila

Merun tinatawag na local at international account. Alam naman natin ang mga local company like Jollibee merun silang call centers din dahil may delivery sila.Akala ng madami pag call center puro lang international, pero alam mo , pag local accounts napakarte kaylangan degree holder ka para makapasok, lets say Smart Communications hindi naman sila tumatanggap ng high school graduate eh tagalog lang naman ang gagamitin na wika, medyo mas mababa din ang sahod pag local accounts sabihin nating ranging from 8-10k per month. Anggara lang dehado ka sa sarili mong wika

Sa international accounts karamihan ng kumpanya ay mula sa USA,Canada, Australia, At UK, Di hamak na mas gusto ko sa international ,bakit? One day process sila , pag pasado ka sa interview walang che che bureche makakapasok ka agad. Kung first timer ka sa BPO ang range ng sahod 13-16k per month at pag may experience kana pede kana magbid kung nababaan ka sa sahod kung sa tingin mo sapat na yung karanasan mo.Walang age,gender,educational discrimination, basta competent ka matatanggap ka, kahit high school grad, lola na,bading,may mga PWD pa nga na nakakapasok. Tip ko lang wag ka maging call center hopper. sila yung mga palipat lipat ng kumpanya,kakahanap ng mas mataas na sahod, naku madaming ganyan.

Mga trabaho na pwede mong makuha? Customer Service Representative(CSR) pinaka common yan at sila yung nghahandle ng mga ibat ibng serbisyo na inoofer ng client. Technical Support Representative(TSR) sila namn yung sa mga teknikal na aspeto ng serbisyo, mostly after sales kapag may problema halimbawa sa internet connection sila yung mga magttroubleshoot. ang TSR at CSR ay pedeng INbound(tinatawagan ng customer) or OUTbound(tumatawag sa customer) hindi mo pwede piliin kung magiinbound ka or magooutbound ka.sila ang mgasign sayo. pwede din naman pareho.Merun din mga Non Voice or Email/Chat support, sila ung nakikipagcommunicate sa customer through email or chat.

Bakit ko nga ba sinulat to? Dahil, iniisip ko din dati kung paano makakapasok sa call center, at pinalad naman ako  2012-2016 nasa BPO ako. Sa mga panahon na yan narecognize po ako bilang isa sa Top Referrer ng kumpanya nung 2013. Dito po kasi sa BPO pag may nirefer kang kaibigan na magapply at pumasa, bibigyan ka ng kumisyon ngrarange yan 5-10k kada successful applicant. kinarir ko yan noon, Nagttrain ako ng mga applicant then pag alam ko ng papasa sinasamahan kong magapply mula initial interview hanggang final interview nakasuporta ako. Ang aim ko matanggap sila at magkatrabaho secondary nalang ang reward. At yung mga naipasok ko napakagagaling na ngayon na kung iisipin mga walang muwang sila noon. High School graduate ako noon  at nag training ako sa TESDA 100 hours  mga 5 weeks din inabot ng training ko. At yun ang naging mitsa kung paano ako nahire. Isang linggo ako nagapply at limang beses na failed. pag failed ako apply lang ulit sa new company gang sa 6th attempt ko natanggap nako. Ibig sabihin kahit di ka nakapasa wag kang hihinto dahil mgiimprove ka kada failure. May tinuruan ako totally walang training sa interview ko lang cya trinain at nakapasa namn

So paano ka papasa? Wag ka matakot mag english. 6 na taon ka sa elementary at 4 na taon sa high school total of 10 years na expose ka sa english at sapat na un. Kung tagalog ka at titira ka sa Cebu matututo ka ng cebuano isa o dalawang taon depende sau.Mas mabilis matuto kung talagang desidido. I suggest kung ang skill mo sa english ay medyo ayos na, ibuild mo nalang ang confidence mo.Kung kailangan mong mgimprove sa grammar, may google at you tube naman para makapagpratice, pero sa totoo lang pag nakapasa ka sa interview may training padin naman kaya ang mahalaga lang ay ang interview sa ngaun. Pero kung gusto mong lamang ka sa iba ngaun plang iimprove mo na ang communication skills mo

Pokus tayo sa interview. Merun yang Initial, Personal, Final. Sa initial interview palang madami ng bumabagsak dahil lang sa “Tell me something about yourself” maraming applicant na hindi handa sa tanong na yan kahit pa degree holder kaya napakahalagang stage nyan.Ok, pag naencounter mo yan gumawa ka ng script na may opening(introduce mo sarili mo at magbigay ka ng isang bagay na kakaiba sayo)  then ibbgay mo ang educational background mo at work experiences at last yung Closing remark mo, yan yung sasavihin mo na tatatak sa nagiinterview  sayo, isipan mo na din ng american version ang pangalan mo para pag ngintroduce ka, name palang angat kana sa iba. i suggest gang 2 mins lang ang introduction overall

Kung maipapasa mo na ang initial interview sasagupain mo na jan yung mas mahirap ng konti.titipunin ung mga nakapasa sa initial at iinterviewhin ulit. Sa puntong ito dapat alam mo ang most common question in a call center interview, nasa internet naman yan. magbagay ka lang ng mga sensible na answer.Maging prepare kadin sa mga situational questions like “what is your favorite color and why?” bigay lang ng kulay at may short explanation. Red because it is the color of life.Hindi kailangan pahirapan ang sarili .Kung anung tanong Siyang sagot. Interested ang employer sa mga applicant na may wit at may sense yung sinasabi.

Kadalasan ang final stage ay interview sa isang manager. ang tanong lang naman jan ay bakit ka ihhire cyempre ssipin mo yung mga strong points mo at icconect mo yung nging experience mo na katulad ng hinahanap nila para ikaw ang makuha

May mga kakilala pako na kaibigan sa BPO at pede ko kayo irefer sa kanila, kaya lang baka hindi ko na kayo matrain sa mock interview dahil busy nako ngayon sa school. Ang training ko noon sa mga applicant ay free ,lilinawin ko lang hindi ako humingi ng bayad bilang pagtanaw ko ng utang na loob sa TESDA. pumasa man o hindi ang applicant ang mahalaga ay nasubukan nila.

Kung may tanong kayo pede nyo po ako immessage sa fb click nyo lang yung fb icon sa upper right or mgleave kayo ng comment. ipaalam nyo po sakin kung nakatulong ang post ko na to, dahil masaya na makarinig ng success stories. Kayang kaya nyo yan.Get that job now.

Ito nga pala yung isang post ko pa baka makatulong din sa inyo

https://letsworkitoutsite.wordpress.com/2017/02/21/buhay-virtual-assistant/

Thank you sa time sa pagbabasa!

 

Joseph

 

 

Advertisements

2 thoughts on “How to a pass call center interview

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s