Buhay Virtual Assistant

Ang pagiging Virtual Assistant ay isa sa nakikita kong magandang alternatibong paraan ng pagtatrabaho. Ang konsepto nito ay parang nagtatrabaho ka sa opisina pero nasa bahay ka lang. Bakit nga ba maganda itong alternatibo?

1.Sa Pilipinas nauubos ang oras natin sa daan dahil sa sobrang trapik. Ang nakasanayang 8am-5pm jobs ay siyam na oras na. babyahe kapa papunta at pabalik sa mga opisina na pinapasukan mo kaya kung iisipin halos kalahating araw ang nagugugol natin sa ating mga trabaho.

2. Kahit nagtatrabaho ka kasama mo pa ang pamilya mo dahil nga karamihan sa mga Virtual assistant ay Home based

3. Di hamak na mas malaki naman ang offer na sahod kumpara sa minimum wage sa pinas

4.Walang diskriminasyon sa edad, kasarian,at sa educational background.kahit nga ang isang High School Graduate ay pwedeng makakuha ng trabaho basta marunong sa teknolohiya

5.Magiging Globally Competitive ang skills mo dahil karamihan sa mga kukuha sa iyo ay mga galing sa USA, UK, at ibat ibang panig ng daigdig na naghahanap ng serbisyong pinoy. Maging proud ka kasi paborito ang mga pilipino pagdating sa mga pandaigdigang paggawa, bilib sila sa atin, kaya dapat kapag nagkatrabaho ka husayan mo din

Ano nga ba ang mga bagay na dapat tandaan kung nais mong tahakin ang larangan na ito. Una, Dapat ay mayroong kang Laptop or kahit Desktop na kayang magperform ng ibat ibng office job. Dapat mayron kading internet sa bahay dahil ang mundo natin ay nasa information technology. Depende sa kliyente kung gusto nila naka wire connection ka at may back up, merun din naman basta may internet ka pwede na, ako minsan nasa internet shop lang eh.May mga kliyente na irerequire na may webcam ka, merun din namang hindi, depende sa gusto ng magiging kliyente mo. Sa kaso ko, sa email at sa skype chat kami nguusap ng mga  kliyente ko. Dalawa sila, isang taga California at isang taga London. Dapat ding marunong ka sa mga basic skills sa computer lalo na sa msword at msexcel.Kung hindi ka mahusay dito maari mo namang pag aralan dahil madami kang pwedeng makuhanan ng impormasyon kagaya ng google at you tube.Siguraduhin mo ding merun kang bank account na pede mo iconnect sa mga international money transfer gaya ng Paypal at Payoneer. sa ganitong paraan madaling maipapadala sayo ang sweldo mo ng kliyente mo.Nagsimula ako maging Virtual Assistant one year ago. Nagdesisyon kasi akong mag-aral ulit sa edad na 35. Mula sa Call Center naisip kong maghanap ng alternatibo na hindi masyado kakain ng oras ko bilang estudyante. At naging Virtual Assistant ako, ito ngayon ang naging bread and butter ko at siyang nakakatulong pantustos sa pang araw araw na pangangailangan ko

Paano ka nga ba makakakuha ng ganitong trabaho? Dahil nasa modernong panahon na tayo maraming mga website na pwede mong aplayan para makakuha ka ng mga trabahong ganito. Dalawa sa mga sikat ngayon ay ang Upwork at Onlinejobs.ph. Naging madali sakin makakuha ng trabaho sa onlinejobs.ph. Kaylangan mo lang naman magregister at gumawa ng account sa website nila libre naman.Ibigay mo lang yung mga background mo and experiences then magapply ka,magsend ka ng mga emails sa mga job posting. Pag nagsend ka naman ng message sa mga kliyente. magisip ka ng mga tagline na kapansin-pansin, ako ang ginamit ko “Your Potential Asset” at pinanindihan ko naman yun. kung anung gusto ng kliyente ipagawa, ginagawa ko siya kahit mahirap dahil kaylangan ko ng trabaho at maganda din natututo ng mga bagong kaalaman.Yung kliyente ko sa California ay may negosyo sa Real Estate at isipin mo sa akin nya pinaubaya ang paghahandle ng company website nila. Wala akong alam dun nung una pero siyempre wala naman nagsimula na magaling agad , pagaralan mo lang din.Sa akin nya din pinapagawa yung mga email sa mga City para sa mga auction ng mga estate sale na kung tutuusin pede nya ibigay sa mga amerikano din pero pinili nya ipagawa sa pilipino, dahil nga mura na at de kalidad pa ang trabaho at wag sana natin sirain yung tingin nila sa atin. Yung isa naman sa London ay nasa negosyo ng ecommerce, merun siyang mga online store at naghahanap sila ng mga produkto sa Amazon at Aliexpress na mga mura at bibilhin nila yun at ibebenta sa online store nila sa mas mataas na halaga. Posible din na tatawag ka sa mga kliyente ng kliyente mo sa america para makipagusap ng mga plano sa negosyo pero depende nga sa kliyente mo yun. Ayun,nageemail sila sa akin kung anong gusto nila ipagawa then ako naman sisikapin kong magawa lahat yun para syempre may trabaho ako.Napansin ko na may mga Virtual Assistant din mula sa India, pero hindi naman sa pagtataas ng bangko naniniwala ako sa kakayahan ng kapwa ko pilipino na kaya natin makipagsabayan dahil matalino tayo. Kung naging interesado ka sa mga sinulat ko ibibigay ko na din yung para sa akin mga mahalagang link, ilalagay ko sa ilalim.kung saka sakaling nagkatrabaho ka, ipaalam mo sakin gusto ko kasi makabasa din ng mga success stories para mas mainspire ako. nirerecomend ko ang ganitong trabaho sa mga estudyante na ngiisip na makakuha ng extra income. Ako kasi part time ko lang to, pero dalawa kliyente ko at mas may oras pako makapag aral. Ito napo yung links:

Onlinejobs.ph

Payoneer

Kung sa tingin nyo ay nakatulong po sa inyo ang articlena to. ifollow nyo po ang blog ko para makakuha kau ng update sa mga article na isusulat ko. Comment din kayo sa baba for any suggestions

Maraming salamat sa oras ng pagbabasa ,hangad ko ang mas magandang buhay para sa inyo. Ang next na isusulat ko ay tungkol sa Call center industry. Magandang Buhay!

Joseph

Post is being sponsored by:

Bluehostbh-120x120-03-dyBuild your online store now with the pioneer in web hosting

Onlinejob.ph.onlinejobsWhere you can hire Rockstart Filipino Virtual Assistant

Lazada lazada_philippines_logoEffortless Shopping

Payoneer payoneer.One of the best international money transfer

Advertisements

11 thoughts on “Buhay Virtual Assistant

  1. Pingback: How to pass call center interview – Good job well done

  2. I remember 2015 Joseph Panes (my brother) invested to a business.He wants me to read all the info to join to his business and I said no need to read these I’m the one who finance and my brother get the customers.Glory to God alone that business became successful.
    And now (my brother) Joseph Panes 2017 made a blog and he sent me the link to read it. I got interested on it. When I’m reading his blog,as an OFW i like his job now as a virtual assistant. Maybe or sooner I’m not going to work abroad and leave my 2 kids.To stay at home and work as virtual assistant like my brother.And his blog truly inspires me.God bless to everyone,,,,happy reading

    Like

  3. Pingback: Buhay Virtual Assistant – YOSSEF JOHN

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s